Limot na kita, noon pa
Yan ang totoo.
Maliban lang marahil
Kapag may mabining ambon
At ako’y walang payong.
Hawak ko noon
Ang iyong kamay;
Nakaupo sa may damuhan
Tinitingnan ang paglubog ng araw,
Walang salitaan
Ngunit naririnig natin ang isinisigaw
Ng ating mga puso.
Limot na kita, yan ang totoo
Maniwala ka.
Maliban lang marahil
Kapag may lumang awitin
At ako’y mapapasabay sa pagkanta;
Tulad noong may dala kang gitara.
Makatapos, tayo’y matatawa
At titingnan mo ako sa mga mata
At ngingitian kita.
Limot na kita, maniwala ka
Noon pa man.
Maliban lang marahil
Kapag ako’y nadaraan
Sa mga lugar na pamilyar
Na naging saksi sa isang pag-ibig
Na nawaglit sa bilis ng buhay;
Na hanggang ngayo’y
Di natin maunawaan kumbakit
Minsang nawaglit na lamang
Ang di malimutang pagmamahal.
Pilit kitang nililimot
Ngunit laging malimit
Ang mga lumang awit;
Talagang maulan sa ating bayan
At sadyang nagdaraan ako
No comments:
Post a Comment