Sunday, October 17, 2010

Desiderata~

*Desiderata was part of my childhood. i had it memorized when i was in elementary. that is because we had a poster of it in our bedroom. the words can be read when you're lying on the bed. every waking and drifting-to-sleep moments, Desiderata was there. until so the whole poem became known by heart... 
i just found this Filipino translation. reading (and listening) to it, a certain beauty and a different depth is added to the old, familiar Desiderata. it's beautiful. [translated by Rafael A. Pulmano]  


Desiderata~


Humayong payapa
     sa gitna ng ingay at kaabalahan
At alalahanin
     ang kapayapaan sa katahimikan
Hangga't maaari
     ay maging mabuti sa kahit sino man
Bigkasing banayad
     at nang buong linaw ang katotohanan
At ang sinasabi
     ng iba ay iyong dinggin at pakinggan
Sila man na walang
     lubhang nalalaman ay may kasaysayan.

Umiwas sa mga
     taong mapamilit at lubhang mapusok
Sila sa kalul'wa
     ay pawang ligalig ang idinudulot
Kung ang sarili mo'y
     ihahalintulad sa iba ng lubos
Magiging palalo
     at maninibugho ang sariling loob
Sapagkat lagi nang
     mayroong lilitaw at mayro'ng sisipot
Na sa iyo'y lalong
     dakila o lalong hamak at busabos.

Sa iyong tagumpay
     at mga balak man, lasapin ang galak
Ang pagkawili mo
     sa iyong propesyon ga'no man kahamak
Ay panatilihin,
     iya'y pag-aaring totoo at payak
Sa pabagu-bagong
     kapalaran nitong panahong nalipas
Sa pagnenegosyo
     dapat kang magsanay niyang pag-iingat
Sapagkat sa mundo,
     mga panlilinlang ay lubhang laganap.

Ngunit ito'y hindi
     sa iyo ay dapat bumulag tuluyan
Ng kung ano na nga
     ang mayroon ditong mga katangian
Sapagkat maraming
     nangagpupumilit para lang makamtan
Yaong simulaing
     matayog na sadya, at saka ang buhay
Ay lipos na lipos
     ng kabayanihan. Ikaw'y maging ikaw.
Mas higit sa lahat,
     'Wag pagkunwarian ang gawang magmahal.

Huwag ka rin namang
     maging mapangutya hinggil sa pag-ibig
Sapagkat sa harap
     ng kawalang-sigla at ng pagkabatid
Sa katotohanang
     nagbibigay-laya sa ligaw na isip
Ito'y magtatagal
     kagaya ng damo sa paligid-ligid
Tanggaping magalang
     ang payo ng mga taon, na kalakip
Ang may kasiyahang
     pagsuko ng mga bagay na pampaslit.

Mag-ipon ng lakas
     ng yong espiritung maisasanggalang
Sakaling sumapit
     nang bigla sa buhay ang kapahamakan
Datapwa't sarili'y
     huwag bagabagin ng maling palagay
Pangamba'y malimit
     bunga lang ng pagod at ng kalungkutan
Sa kabila niyang
     isang pagsusupil na sadyang mainam,
Sa iyong sarili
     ay maging banayad at maging magalang.

Ah, ikaw ay supling
     nitong sangsinukob na hindi hihigit
Sa puno at bit'win...
     may katuturan ka dito sa daigdig
Kaya ipanatag
     sa piling ng Diyos ang sariling dibdib
Maging ano pa man
     ang larawan niyang mabuo sa isip
At kahit na ano
     ang mga nasa mo't pagpapakasakit
Sa sadyang magulong
     kalituhan nitong buhay na sinambit...

Ay panatilihin
     ang kapayapaan sa kaluluwa mo.
Kasama ng lahat
     ng pagkukunwaring tinataglay nito,
Ng mga gawaing
     nangakayayamot sa puso ng tao,
At maging ng mga
     nabigong pangarap na pira-piraso,
Dapat mong isipin
     at sa iyong puso'y itanim na husto:
Ito'y isa pa ring
     pagkaganda-gandang masasabing mundo.



Wednesday, October 6, 2010

Tonight I Can Write:




Tonight I can write the saddest lines.

Write, for example, 'The night is starry
and the stars are blue and shiver in the distance.'

The night wind revolves in the sky and sings.

Tonight I can write the saddest lines.
I loved him, and sometimes he loved me too.

Through nights like this one I held him in my arms.
I kissed him again and again under the endless sky.

He loved me, sometimes I loved him too.
How could one not have loved his great still eyes.

Tonight I can write the saddest lines.
To think that I do not have him. To feel that I have lost him.

To hear the immense night, still more immense without him.
And the verse falls to the soul like dew to the pasture.

What does it matter that my love could not keep him.
The night is starry and he is not with me.

This is all. In the distance someone is singing. In the distance.
My soul is not satisfied that it has lost him.

My sight tries to find him as though to bring him closer.
My heart looks for him, and he is not with me.

The same night whitening the same trees.
We, of that time, are no longer the same.

I no longer love him, that's certain, but how I loved him.
My voice tried to find the wind to touch his hearing.

Another's. He will be another's. As he was before my kisses.
His voice, his bright body. His infinite eyes.

I no longer love him, that's certain, but maybe I love him.
Love is so short, forgetting is so long.

Because through nights like this one I held him in my arms
my soul is not satisfied that it has lost him.

Though this be the last pain that he makes me suffer
and these the last verses that I write for him.

~~~

by Pablo Neruda
translated by W.S. Merwin

*i changed the pronouns from feminine to masculine.
**original poem here.




Limot na Kita...

Limot na kita, noon pa
Yan ang totoo.
Maliban lang marahil
Kapag may mabining ambon
At ako’y walang payong.
Hawak ko noon
Ang iyong kamay;
Nakaupo sa may damuhan
Tinitingnan ang paglubog ng araw,
Walang salitaan
Ngunit naririnig natin ang isinisigaw
Ng ating mga puso.

Limot na kita, yan ang totoo
Maniwala ka.
Maliban lang marahil
Kapag may lumang awitin
At ako’y mapapasabay sa pagkanta;
Tulad noong may dala kang gitara.
Makatapos, tayo’y matatawa
At titingnan mo ako sa mga mata
At ngingitian kita.

Limot na kita, maniwala ka
Noon pa man.
Maliban lang marahil
Kapag ako’y nadaraan
Sa mga lugar na pamilyar
Na naging saksi sa isang pag-ibig
Na nawaglit sa bilis ng buhay;
Na hanggang ngayo’y
Di natin maunawaan kumbakit
Minsang nawaglit na lamang
Ang di malimutang pagmamahal.

Pilit kitang nililimot
Ngunit laging malimit
Ang mga lumang awit;
Talagang maulan sa ating bayan
At sadyang nagdaraan ako
Sa mga pamilyar na lugar.


-sulat ni: Reuel Molina Aguila -

Monday, October 4, 2010

Brown Penny~

I whispered, 'I am too young,'
And then, 'I am old enough';
Wherefore I threw a penny
To find out if I might love.
'Go and love, go and love, young man,
If the lady be young and fair.'
Ah, penny, brown penny, brown penny,
I am looped in the loops of her hair.

 

O love is the crooked thing,
There is nobody wise enough
To find out all that is in it,
For he would be thinking of love
Till the stars had run away
And the shadows eaten the moon.
Ah, penny, brown penny, brown penny,
One cannot begin it too soon.


by W.B. Yeats 


~i love the scene in Must Love Dogs where Christopher Plummer (Capt. Von Trapp!!!) recites this...